Linggo, Agosto 9, 2015

Paboritong Kwento ni Janwel


mula sa https://prezi.com/omd64kux_pum/copy-of-charlottes-web-passage/

         Nakaaaliw basahin  ang kwento ni Charlotte na isang gagamba na may matalik na kaibigang baboy na nag-ngangalang Wilbur. Kahit na isa itong pambata lahat naman tayo ay madadala sa ikot ng Istorya. Hindi man masaya nagtapos ang kwento ng kanilang pagkakaibigan dahil isa sa kanila ang nawala hindi naman nangangahulugang pangit ang kwento ng kanilang pagkakaibigan. 
        Kay hirap humanap ng kaibigang kagaya ni Charlotte na hanggang sa kanyang kamatayan iniisip pa rin kung paano niya maliligtas ang kanyang kaibigan. Kaya sa mga nagsasabing walang poreber; pasensiya kayo meron na noon. Kaya nga lang hindi sa pag-ibig kung hindi sa pagkakaibigan. "Bestfriend forever" kung ating tawagin.
       Napatunayan ko lamang sa sarili ko na ang pagkakaibigan ay wala sa laki kung hindi sa pagmamahal ng sa iyong isang tuinay kaibigan. Isang kaibigan na handa kang ipagtanggol hanggang sa kanyang kamatayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento